IKA-53 YUGTO “Surprise!” “Ay buteteng tumambling!” gulat na bulalas niya nang mabigla siya sa biglang pagsulpot ni Jeydon. “Letse ka!” inis na asik niya sabay hampas sa balikat nito. Tinawanan lang siya nito at niyakap. “I missed you too, Zey.” Napatingin siya kay Luigi nang tumikhim ito. “Oops, sorry!” natatawang bigkas na sabi ni Jeydon na lumayo sa kanya habang nakataas ang mga kamay. “Hi, Zey!” ani Kimineah na nasa likod lang pala ni Jeydon. “N-Nandito ka rin?” gulat na bulalas niya, lumapit ito sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. “Siyempre, mawawala ba naman kasi sa—” “Hello Neah, bakit sa kanya lang kayo bumabati?” agaw ni Janice sa sinasabi ni Kimineah. “Oh, I’m sorry,” nakangiting wika naman ni Kimineah at binati ang mga kasama niya. Na

