Pagkarating nila sa lugar ay nagulat siya nang makitang nagkakatuwaan sa swimming pool sina Nami at Travis, hindi niya inaasahan iyon kaya para siyang napako sa kinatatayuan at itinuro ang mga ito. “A-Anng ginagawa nila rito?” tanong niya. Tumawa lang si Luigi at masuyo siyang inakay palapit sa mga ito, gayundin naman ang mga kasama nila. “Hi! Bakit parang natagakan yata kayo?” nakangiting wika ni Nami at umahon sa pool saka lumapit sa kanya para yakapin siya. “How are you?” “Kailan pa kayo dito?” tanong niya na hindi inalintana ang sinabi nito. “Ang sabi nila kasabay mo sina Briella na pumunta rito?” Para namang narinig ni Briella ang pagtatanong niya at bigla itong lumabas, nakasuot ito kulay asul na two-piece bikini na pinatungan ng isang see-through na kulay puting

