IKA-54 NA YUGTO Ilang oras din silang nagbabad sa pool, wala na siyang nagawa kundi ang lumusong dahil na rin sa pamimilit ng mga ito. Sumama na rin sa kasiyahan nila sina Big Boss at Briella habang tulog pa si Baby Aubrei, pagsapi ng dapit-hapon ay saka sila umahon sa pool. Naghanda sila para sa magiging hapunan nila, naisip nilang magbarbeque at kumain sa gilid ng pool. Nasa isang talampas sila at mula sa kinaroroonan nila ay maganda ang view kapag lumubog ang araw. “This place is beautiful!” bulalas ni Nami. “Pinaparentahan lang ba ang lugar na ito o puwede ring bilhin?” tanong nito. “It’s only open for reservation and not for sale,” sagot ni Luigi. “Aw, I really want to buy a place like this. The scenery was epic!” sabi pa ni Nami. “May mga binibenta rin naman si

