NOTE! Sisikapin ko pong makapag-update ng alas nuebe ng umaga. Masama po talaga pakiramdam ko ngayon at pinilit ko lang magsulat. Salamat sa pang-unawa. ***** IKA-64 NA YUGTO “Wakey, wakey, sleeping beauty,” dinig niyang turan ni Janice. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata niya at nakita niya ang mga kaibigan niya sa kanilang kuwarto ni Luigi. Inilibot niya ang tingin sa buong paligid ngunit wala siyang nakitang anino ni Luigi. “What’s happening, girls?” tanong niya habang kumukurap ang mga mata. “Today’s your day, Darling,” nakangiti namang saad ni Briella. “Huh?” aniya na nakakunot ang noo, hindi pa rin rumehistro sa utak niya ang nangyayari kaya para siyang tanga na walang kaalam-alam sa nangyayari. “Where’s Luigi? Nagugutom ako at—” “Babe, hindi kayo p

