HULING YUGTO ONE YEAR LATER “Iji, matagal ka pa ba diyan?” tanong niya kay Luigi na nasa loob ng banyo at nililinisan ang bunso nilang si Ivan. Bigla kasing nag-popo habang sinusuutan ng diaper. Bukas ang kaarawan nina Stefan at Ivan, pinili nilang idaos iyon sa gabi, kung kailan ang mismong oras na pinanganak ang mga ito. Kaybilis lang ng panahon at ang lalaki na ng mga anak nila. Talaga nga palang mahirap alagaan ang kambal kahit pa sabihin na dalawa silang nagbabantay ni Luigi gayunpaman ay napuno ng magagandang alaala ang unang taon nila kasama ang dalawang anghel na ipinagkaloob sa kanila ni Luigi. “Tita Chelsey, tingnan niyo po, oh. Gustong-gusto ni Baby Stefan na hawakan ang buhok ko!” sabi ng tatlong taong gulang na si Kisha. Halos sa kanila na lumaki si Kisha dahil nakahanap
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


