IKA-85 YUGTO Bilang pagtanaw ng utang na loob sa pagliligtas sa kanya ni Bert ay tinupad niya ang mga pangakong binitiwan niya rito. Tagumpay ang operasyon sa anak nitong babae, binigyan niya ang mag-ina nito nang magandang tirahan at hindi niya iyon inilayo sa kanya para masiguro ang kaligtasan ng mga ito. Nakiusap siya kay Janice na bigyan ng trabaho ang asawa nitong si Brenda. Alam niyang masakit para sa kaibigan ang pagkakakulong ng ina nito ngunit alam din niyang maiintindihan nito kung bakit ginawa niya iyon. Mabuting tao ang pinatay nito. Bumalik na ang lahat sa normal, masaya na ulit sila ni Luigi. Mabilis na lumipas ang mga araw at buwan, wala na siyang narinig na balita kay Jared at kapag tinatanong naman niya ang kanyang asawa ay isa lang lagi ang sinasabi nito—nagbabayad na

