IKA-84 YUGTO “Bert! Ikaw na muna ang bahala diyan sa babaeng iyan at may inuutos lang sa amin si Boss,” sabi ni Jay pagkatapos nitong kausapin si Jared. Narinig niya lahat nang pag-uusap ng mga ito at lihim siyang nagdidiwang dahil ibig sabihin niyon ay gumagawa na ng paraan sina Janice para mahanap siya. “Kayong lahat?” tanong ni Bert na tiningnan pa isa-isa ang mga kasama niya. “Oo, bakit may problema ba?” singhal ng isa sa mga kasamahan nito. Napatda siya ng bunutin ni Jay ang baril nito at ilapag sa mesa. “Gamitin mo iyan kapag nagtangkang tumakas ang babaeng iyan.” Napalunok siya ng ilang beses at literal na pinagpawisan na tumingin kay Bert na tila naman nawalan ng kulay ang mukha. “Hindi rin kami magtatagal, at pinapasabi rin ni Boss na may darating daw na isang babae,” bilin

