IKA-60 YUGTO Nagising si Chelsey dahil nakaramdam siya ng gutom, hindi niya namalayang nakatulog pala siya pagkatapos siyang bisitahin nina Nami at Kimineah kanina. Nagpunta siyang banyo para maglinis ng mukha saka siya lumabas at dere-deretsong nagtungo ng kusina upang maghanap ng pagkain. Binuksan niya ang mga cabinet at naghanap ng makakain ngunit wala siyang nagustuhan sa mga naroong stock. Sunod niyang binuksan ang refrigerator at bigla niyang naisip na kumain ng ice cream at youghurt ngunit sa kasamaang palad ay wala siyang nakita. Nakalabi niyang isinara ang pinto ng refrigerator at hindi niya malaman kung bakit gusto niyang maiyak at magwala dahil wala ang gusto niyang pagkain na kainin. Nagliwanag ang kanyang mukha nang maisipan na magpa-order na lang ng pagkain,

