IKA-61 YUGTO “Congratulations, you’re three weeks pregnant,” nakangiting saad ng Doktor. Ilang sandali siyang natulala at nanigas sa kinaroroonang hospital bed. I’m pregnant? I’m pregnant. I’m pregnant! What the f*ck, I’m pregnant! Holy sh*t, I’m preg—’ “Miss Chelsey, are you okay?” untag sa kanya ng Doktor. Natauhan naman siya nang yugyugin siya ng katabi niyang si Tita Olivia. “Mukhang gulat na gulat si Chelsey sa nalaman, Doc,” nangingiting turan niTita Olivia. “I-Iyong pagbubuntis ko ho ba ang may kasalanan kung bakit tumataba ako’t kain ng kain?” inosenteng tanong niya sa doktor. Natatawa naman itong tumango. “Yes, it’s normal. At the early stage of your pregnancy, your body will sure change it’s shape para i-prepare si baby sa paglaki niya inside

