***** Nakapikit na ang mga mata ni Chelsey ngunit gising pa rin ang kanyang diwa, kaya nang marinig ang mga boses ng kaibigan niya ay agad siyang nagmulat ng mata. Tumambad sa kanya sina Janice at Nami na kahit hindi magsalita ay alam niyang gusto siyang batukan. Alam na kaya nilang buntis ako? “Alam mong muntik na kaming patayin lahat ni Kuya sa ginawa mo?” sita sa kanya ni Janice. Napangiwi siya. Alam niyang nagsasabi ito ng totoo pero parang hindi naman kayang pumatay ni Luigi ng kapatid dahil lang do’n. “Sorry na, I can explain why I acted so childiish,” sabi niya at naipilig ang ulo habang nagkakamot. Nagpalitan ng makahulugang tingin ang dalawa bago tumingin sa kanya. “So, you already knew?” tanong sa kanya ni Janice. Napakunot naman ang noo niya at hi

