IKA-62 YUGTO “And here she is,” ani Braun nang makitang kasabay niyang pumasok si Chelsey. Nasa likuran naman nila sina Nami at Janice na hindi pinansin ang iritableng boses ni Braun. “Not now, El Cueva, Chelsey needs a rest,” sabi naman niya na tinakpan ang magkabilang tenga ng asawa niya dahil alam niyang hindi titigil si Braun na manermon lalo pa at natakot ang anak nito sa ginawa niyang pagwawala sa kanya. “Takpan mo ang tenga mo,” mahinang saad niya kay Chelsey. “Look straight,” dagdag pa niya na agad namang sinunod nito. “Ha! She needs a rest for her stupidity? Damn you, Fontanilla. I can’t believe that you lose control of yourself just because of that—” hindi nito naituloy ang sasabihin pa dahil inawat na ito ni Briella. “Magigising si Aubrei kapag nagpatuloy an

