IKA-10 YUGTO “Luigi, are you okay?” nakakunot ang noong tanong ni President Braun sa kanya. Tumikhim siya at tumango. “Yes, I’m fine. May kailangan pa ba kayo?” magalang na tanong niya rito. Katatapos lang ng closed door meeting nila, successfull ang meeting at simula bukas ay mas marami na siyang gagawin sa kompanya. Simula sa araw na iyon ay ipinagbitiw na siya nito bilang Personal Assistant nito at ibinalik na siya sa posisyon niya bilang Bise-Presidente, wala siyang nagawa dahil kailangan na rin nitonng magpahinga at magkaroon ng oras para sa pamilya nito. “Maghahanap na ako ng papalit sa posisyon ko bilang personal—” “There’s no need,” putol nito sa sinasabi nito. “I don’t want anyone,” anito. Naipilig niya ang kanyang ulo at hindi napigilang pagtaasan ito ng k

