IKA- 11 YUGTO Nakakahiya! Gosh! Muling nagtalukbong si Chelsey ng kumot nang maalala ang nangyrai kanina sa pagitan nila ni Luigi. Naiinis siya dahil parang walang epekto iyon kay Luigi. Iyong totoo, kampon ba talaga iyon ni Satanas at reincarnation ni Hitler? Manhid! Nakarinig siya ng katok sa pinto, humigpit ang hawak niya sa kumot. “Hey, wala ka bang balak lumabas diyan? It’s dinner time, already. Hindi k aba nagugutom?” malakas na tanong sa kanya ni Luigi sa labas ng kanyang kuwarto. “Hindi ako nagugutom,” ganting sigaw niya rito. Wala siyang mukhang maiharap dito dahil simula nang umalis sila sa tinutuluyan niyang apartment ay hindi bumalik sa normal na kulay ang mukha niya. Talagang sobrang namumula siya at nanliliit sa pagkakalapit ng mga mukha nila. N

