IKA-12 YUGTO “So, you’re saying that this Jared is obsessed with you?” tanong sa kanya ni Luigi. Magtabi silang umiinom ng canned beer at tila napasarap na ang usapan nila. Marami-rami na rin ang nainom nilang beer at medyo tinatamaan na rin siya ng alak, pero ayaw pa nniyang matapos ang magandang pag-uusap nilang iyon dahil baka bukas ay bumalik nna ang masungit na Luigi. “I’m not sure kung sa akin ba talaga siya obsessed o sa karangyaang makukuha nito kapag natuloy ang gusto niyang ikasal kami,” sagot niya sabay tungga ng hawak niyang canned beer. “Jerk,” usal nito. Inilapag nito ang wala ng laman na canned beer at saka nagbukas pa ng isa. “Sinabi mo pa!” pagsang-ayon niya. “Ilang beses ko na siyang tinnapat noon at itinaboy pero ayaw niya talaga akong tigilan. At

