IKA-65 YUGTO Kasabay nang pagkalimbang ng kampana ay ang malakas na pagkabog ng dibdib niya. Inaasahan niyang kakabahan siya ngunit hindi ganito katindi. Isa-isa nang bumaba ang kanyang mga kaibigan na may masasayang ngiti sa mga labi at kahit hindi magsalita ay mababanaag sa mga mukha ang matinding kasiyahan para sa kanya. Nasa sasakyan pa rin siya at hinihintay na matapos ang pagmamartsa ng mga kaibigan niya. Sa totoo lang wala siyang kaalam-alam kung sinu-sino ang nasa loob ng simbahan, ang tanging alam lang niya ay ngayong araw matatapos ang inaakala niyang photoshoot ng PreNup nila ni Luigi. Napapitlag siya nang makarinig ng katok sa bintana ng sasakyan, bumukas ang pinto at isang nakangiting babae ang humarap sa kanya. “Hello, I’m Miles, the wedding organizer,” pagpap

