IKA-46 NA YUGTO Nasa ksagsagan sila ng masarap naq pagkain nang makatanggap siya ng tawag mula kay Janice. “Oh?” “Alam kong masarap kasama ang Kuya ko pero ipapaalala ko lang na may photoshoots tayong inaasikaso ngayon,” sabi nito. Nakangiwi siyang napatingin kay Luigi na naghuhugas ng mga kinainan nila. “Pababa na kami,” sabi niya. “Okay, nasabi na ba sa’yo ni Kuya kung saan gaganapin ang photoshoots?” tanong sa kanya ni Janice. Kumunot ang noo niya, nawala sa isip niyang itanong iyon dahil sa sobrang pagkabalisa niya sa nawala niyang camera at dumagdag pa ang pagtawag ng kanyang Daddy na lalong nagpatuliro sa kanya. “Where are we?” wala sa sariling naibulalas niya. Narinig niya ang pagtawa sa kabilang linya ni Janice. “Si Kuya na lang kaya ang tanungi

