IKA-45 YUGTO

2056 Words

IKA-45 YUGTO   Naalimpungatan si Chelsey nang maramdaman ang pagbigat ng kamang kinahihigaan niya, pagmulat niya ng mga mata niya at nakita niya si Luigi na nakatunghay sa kanya. Ipinulupot niya ang kanyang kamay sa leeg nito at hinila palapit sa kanya upang mahagkan ang labi ni Luigi.   “Umalis na ba ang bisita mo?” tanong niya.   Tumango naman si Luigi at umayos sa paghiga, sa tabi niya. Agad siya nitong ikinulong sa mga bisig nito at ang matikas nitong braso ang ginawa niyang unan, sumiksik siya sa matipuno nitong dibdib at idinantay ang isang hita sa asawa. Nasamyo niya ulit ang natural nitong amoy na agad nagbigay sa kanya ng kakomportablehan.   Naramdaman niya ang paghaplos ni Luigi sa kanyang buhok, napangiti siya at hindi kumibo, mayamaya ay naramdaman niya ang paghalik nit

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD