IKA-44 NA YUGTO Parang nawalan na ng gana pa sa lahat ng bagay si Chelsey pagkatapos niyang marinig ang boses ng kanyang Daddy. Natatakot siya sa sinabi nitong kukunin siya nito at ibabalik sa Italy. Huminga siya ng malalim, naramdamdaman niya ang pagpisil ni Luigi sa kamay niyang kanina pa nito hawak. “Don’t worry, I will not let anyone take you away from me, Chelsey,” sabi nito sa kanya. Tipid siyang ngumiti at tumingin sa mga mata nito. “I know . . .” sabi niya, inabot niya ang pisngi nito at hinaplos. “I trust you, Iji.” Hinawakan nito ang kamay niyang nasa mukha nito at dinala sa labi nito. “Leave everything to me, wifey. I’ll do everything I can to not let them near you.” Nakangiti naman siyang tumango dito, totoong may tiwala siya kay Luigi. Alam niyang hindi

