Pumutok ang balitang nagsilang na ng babaeng sanggol si Briella. Naging laman iyon ng balita at at naging usap-usapan sa buong bansa. Pinagkaguluhan ng mga fans ni Briella ang post ni Braun na isang litrato ng mag-ina nito at may caption na My Happy Pills. Mapait na napangiti si Xander at isinara ang cellphone niyang basag na ang screen. Itinabi niya iyon sa lumang sofa na kinauupuan niya at nakipagtitigan sa kisame. Kung sana hindi ako nagloko at nanatiling tapat kay Briella, tiyak namasaya ako ngayon kasama ang babae at ang magiging anak namin. Ano nga ba ang naisip ko at nagawa kong lokohin ang isang babaeng naging tapa tang pag-ibig sa akin? Pinangiligiran siya ng luha at muling nagbalik sa kanyang alaala ang unang beses na nagkakilala sila ni Briella. Totoo namang nagka

