IKA- 58 YUGTO Pagkatapos kumain ay hindi na dinalaw ng antok pa si Chelsey. Aminado siyang naparami ang kain niya kaya’t kailangan niya magpatunaw ng pagkain. “Ano bang magandang gawin ngayon?” tanong niya kay Luigi na nakasunod sa kanya. “Just don’t do stupid things,” sagot nito sa kanya. Agad na nagsalubong ang kilay niya at pumihit para magkaharap sila. “Stupid things? Such as?” nakataas ang kilay na tanong niya. Tila naman nag-iisip ito ng isasagot kaya pinandilatan niya ito ng mata. May katangahan na ba akong ginawa? Nagkibit siya ng balikat. “There’s too many to mention,” sagot nito. Napaawang siya ng labi at mabilis na hinampas ito sa balikat. “Aba’t—hoy! Ang kapal naman ng mukha mo. Anong marami ka diyan, sige nga isa-isahin mo nga!” Nginitian la

