***** Nagising si Chesley nang kumalam ang kanyang sikmura, bumaling siya sa natutulog pang si Luigi. Marahan niyang niyugyog ang balikat nito. “Iji, nagugutom ako,” daing niya. Agad namang nagising si Luigi at nag-inat, pagkatapos ay inalalayan siyang bumangon. “Just a minute, wifey,” sabi nito at pumasok ng banyo. Hindi naman ito nagtagal doon at agad bumalik sa kanya. “Anong gusto mong kainin?” tanong nito sa kanya. “Gusto ko ng pork steak,” sabi niya. Tumango si Luigi at hinawakan ang kamay niya saka sabay silang lumabas ng kuwarto. Paglabas nila ay bumungad sa kanila ang katahimikan ng buong kabahayan, Alas tres pa lang ng madaling araw ayon na rin sa malaking orasan na nakasabit sa dingding. Dumeretso sila sa kusina at pinaupo muna siya ni Luigi b

