IKA-57 NA YUGTO Madaling araw na natapos ang kanilang kasiyahan, tipsy na ang ang mga kaibigan niya ngunit hindi siya. Hindi siya hinayaan ni Luigi na uminom ng marami at okay lang naman iyon dahil hindi naman talaga siya palainom. “Oh my God, this is one of the happiest days of my life!” nakangiting saad niya habang pabagsak na inihiga ang katawan kama. “Careful, wifey,” sita sa kanya ni Luigi. “Relax, I’m fine,” natatawa niyang turan. Hindi ito nagsalita at sininghalan lang siya. Pinagmasdan niya ito habang kumukuha ng damit pantulog nilang dalawa. “Come here, maligo muna tayo para mapreskuhan ang katawan mo bago matulog,” sabi nito at lumapit sa kanya. “Papaliguan mo ako?” nakataas ang kilay na tanong niya rito. Tumango naman ito. Dahan-dahan siya nitong

