IKA-14 NA YUGTO Naging maganda ang araw na iyon sa kanilang dalawa ni Luigi, nakakapanibago dahil hindi na sila nagsisigawan at nag-aasaran. Puro tawanan at walang katapusang kuwentuhan ang nangyari sa kanila sa buong maghapon, hindi niya akalain na kayang tapatan ni Luigi ang pagiging madaldal niya. Hindi rin nito nakakalimutang itanong lagi sa kanya kung nagugutom na ba siya o may gusto siyang kainin. Pagsapit ng gabi ay nakatanggap siya ng tawag mula kay Janice. Kung hindi pa ito tatawag ay talagang kinalimutan na niyang nag-aaya itong samahan niya sa party na dadaluhan nito. Nagbago na ang isip niya at hindi na niya gustong sumama rito ngunit kabastusan naman kung ngayon pa siya aatras kung kalian naka-oo na siya. Namili siya ng damit na susuotin mula sa mga pinamili ni Lui

