**** Tumunog ang cellphone ni Jared, nakita niya at pangalan ni Micah kaya agad niya iyong sinagot. “Hello?” aniya, naglakad siya papunta sa mini ba at nagsalin ng alak. “Areyou not going to come here?” bungad agad nitong tanong sa kanya. “Why?” tanong niya at muling bumalik sa pagkakaupo sa sofa at kaharap ang kanyang lapop. Hinihintay niyang mag-online si Mr. Vazquez, nagsabi kasi ito kagabi na gusto siyang makausap. Hindi pa niya alam kung ano ang rason kaya kinakabahan siya. “Paano mo magagawa ang plano mong makuha ang babaeng iyon kung hindi ka naman gumagawa ng paraan?” inis na tanong nito sa kabilang linya. Kumunot ang noo niya. “And why would I do that?” “What do you mean?” “She’s flirting with Luigi! Paano ko magagawa ang plano ko kung nakadikit iy

