***** Tumagal ng isang minuto ang pinagsasaluhan nilang mapusok na halik kung hindi lang sila nakaramdam ng kakapusan ng hininga ay malamang na napunta na sila sa paraiso. “Please say that you love me, wifey,” bulong ni Luigi habang magkalapit ang mga noo nila at ang tungki ng mga ilong nila. Ngumiti siya at dinampian ng halik ang tungki ng ilong nito saka ang labi nito. “Mahal kitang Damuhong ka,” aniya saka huminga ng malalim. “Ikaw lang ang kauna-unahang lalaki na nagustuhan ko at minahal. Napakabilis man ng lahat sa atin, I know it’s all real.” Hinawakan nito ang kamay niya at matagal na hinaplos ang mga iyon hanggang sa matigilan siya nang bigla itong may inilabas na isang maliit na box. Nakatingin ito sa kanya habang kinukuha ang isang singsing do’n at dahan-dahang isinuot iyon

