IKA-40 YUGTO “Good morning, sleeping beauty,” nakangiting bungad sa kanya ni Luigi. Nag-inat siya ng mga kamay at nabigla siya nang mabilis siya nitong halikan sa labi. Natampal niya ang balikat nito ngunit hindi naman gano’n kalakas. “Hindi pa nga ako naghihilamos, e!” singhal niya rito. “You’re my wife so I can kiss you anytime,” sabi nito at kinindatan siya. Sininghalan niya ito ng tawa at ipinulupot ang mga kamay sa leeg ng lalaki. “Ang aga mo namang magising ngayon?” nakataas ang kilay na tanong niya rito. “It’a already nine in the morning, wifey. Bumangon ka na at kumain, may iaannounce si Janice tungkol sa project niyo,” wika nito. Pagkasabi nito sa salitang proyekto ay bigla siyang natigilan at naalala ang camera siya. Agad siyang nanlumo at wala sa

