“I-Iji . . .” usal niya. Iyon lang ang kaya niyang bigkasin ngunit punong-puno iyon ng emosyon at alam niyang nakuh ni Luigi ang gusto niyang ipahiwatig. Pumulupot ang kamay nito sa kanyang beywang at iglap lang ay nakaharap na siya rito, naghinang ang mga mata nila at unti-unting naglapit ang kanilang mga labi. Sa pagkakataong ito ay banayad na iyon at puno ng pagmamahal, ang gaan lang ng halik na iginagawad sa kanya ni Luigi at kakaiba ang hatid niyon sa pakiramdam niya. Tumingkayad siya at inilingkis ang mga kamay sa batok nito, para hindi siya mahirapan ay kinarga siya ni Luigi agad naman niyang inilingkis ang kanyang mga hita sa beywang nito. Napadaing siya nang maramdaman ang malamig na salaming dingding nang isandal siya ni Luigi do’n. Buong lakas niyang pinunit ang mani

