Kabanata 41 “Due to a violation of Miss Sania on our agreement this project will be cancelled,” sabi ni Janice. “What do you mean cancelled?” salubong ang kilay na tanong ni Micah. “You mean, I wasted my whole week—” “Don’t blame me, it wasn’t my choice, it’s hers. Maayos akong kausap pero kapag tarantado ang kausap nagiging demonyo ako. Siguro naman alam mo iyon,” sabi ni Janice kay Micah. Napabuntong-hininga siya, pakiramdam niya kasalanan niya ang nangyari. Kung hindi siya nagpauto at nagpunta do’n, ‘di sana mangyayari lahat ng ito. “So, anong mangyayari sa amin ngayon?” narinig niyang tanong ulit ni Micah. “Bakit ako ang tinatanong mo?” singhal ni Janice dito. “Ask her, you’re not my model, in the first place.” “What about the photoshoots? Isang shoot na lang iyon at tapos na t

