**** Pagkatapos nang pag-uusap nila ay naghanda na silang umalis sa lugar na iyon. Ang sabi ni Janice mas magandang pumunta ng mas maaga sa destinasyon nila, hindi na rin siya nagtanong kung sino ang sinasabi nitong Sponsor kasi halata naman kung sino iyon. “Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin na nagkausap na kayo ni Janice? Bakit hindi ko alam iyon?” tanong niya kay Luigi habang nag-eempake na sila. “It was a surprise, and I didn’t expect that you will know sooner,” naiiling na sagot nito. Sininghalan niya ito ng tingin. “Hindi naman kasi ako tanga para hindi makaintindi, ikaw at ako ang modelo? Duh!” “Ayaw mo ba?” tanong nito habang ipinapasok ang mga damit niya sa maleta. Nakaupo lang siya sa kama at nakahalukipkip na nakatingin ditto, kanina pa niya gustong mag-

