IKA-42 YUGTO “Come on, it’s just a game!” ani Janice na hinihila si Chelsey papunta sa gitna. “Eh, puwede naman kayo na lang ang maglaro at huwag niyo na akong isama!” ani Chelsey na ayaw talagang saluhin ang bouquet niya. May pakiramdam siyang tinotoo nito ang biro niya kanina habang nag-aayos siya. “Huwag kang KJ, Chelsey! Once in a lifetime lang itong nangyayari kaya halika na!” sabi naman ni Nami na tinulungan na si Janice na hilain si Chelsey. Nakangiti lang siya at pinagmamasdan ang mga itong naghihilahan, sa huli ay napapayag ng mga ito si Chelsey at dinala na sa gita. Apat lang ang mga itong puwedeng sumalo ng bouquet kaya hindi na niya pinatagal pa. Hindi naman kasi isama ang mga magulang nila dahil commited na ang mga ito. “Ready?” tanong niya sa mga ito.

