"Yolly." Nanigas ako mula sa'king kinatatayuan nang marinig ang pagtawag sa pangalan ko ng pamilyar na boses ni Freiya. Oo pinsan siya ni Rusca at mukha naman siyang mabait pero nakakakaba pa rin siyang kausap. Hindi ako sanay na makikipag-usap sa kanya nang hindi namin kasama si Rusca. Isang ngiti ang inihanda ko nang lingunin ko siya pero muntik na iyong naging ngiwi nang makita kung sino ang kasama niya. Ilang hakbang ang layo ko sa kanila pero ramdam ko iyong mayabang na awra ni Bianca. Kung makatingin kasi ito sa'kin ay parang hinahamak ang buo kong pagkatao. Paano kaya naging magkaibigan ang dalawang ito gayong ang layo ng personalidad nila sa isa't isa? Halata kasing down to earth itong si Freiya habang ang taas naman ng tingin sa sarili nitong isa. Pasimple kong tinapunan ng t

