Kung nakakamangha na iyong yate sa malayo ay higit pa sa malapitan. Mas nakikita ko ang detalye ng desinyo nito. Patunay ang karangyaang nasa harapan ko kung gaano kayaman ang magkakambal ni Kiro at Kenzo. Nang tuluyan kaming makasakay rito ay pakiramdam ko isa akong royalty guest. May mga naghihintay na sa aming crew at ilang mga guide na agad binati ni Freiya. May pera naman kami pero wala kaming yate, lalo na iyong ganito kabongga. Hindi namin afford ang maintenance nito lalo na at halatang professional iyong mga crew. Matapos akong ipakilala ni Freiya sa kapitang nag yate ay agad niyan akong iginiya papasok sa isa sa mga cabin na nagsisilbing bedroom. Habang nasa loob ay hindi mo talaga maramdamang nasa laot ka. Idagdag pa iyong interior na lakas maka-sosyal! Agad kong inili

