chapter 48

1667 Words

Hindi naman talaga lumayo sa islang pinanggalingan namin ang yateng kasalukuyan naming kinaroroonan. Umiikot lang ito habang ini-enjoy namin iyong view at mga pagkaing nakahanda para sa amin. Sobrang nai-enjoy ko talaga ang experience lalo na at hindi na humihiwalay sa'kin si Rusca. Para siyang naging anino ko na nakasunod sa bawat galaw ko at tuwina ay nakahawak sa'kin, kung hindi sa baywang ko ay sa kamay ko. Minsan din ay pasimple lang siyang nakayakap sa likod ko habang tinitingnan namin ni Freiya iyong mga maliliit na isla na tinuturo ng guide sa'min. Ganito pala kapag kasama mo iyong taong may espesyal na lugar sa puso mo, nagiging mas memorable bawat experience. Siguro ito rin ang dahilan kung bakit iniiyakan bawat break-up kasi nasasayangan doon sa mga pinagsamahang hindi na mul

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD