Tahimik si Rusca habang personal niyang ginagamot ang mga sugat ko. Maya't maya akong napapangiwi sa hapdi at maagap naman agad niyang hinihipan. Kung ganito ba naman palagi ay pwede na akong magpakalmot kay Bianca ng linggohan. Huwag lang araw-araw dahil baka matetano na ako sa haba ng mga kuko ng babaeng iyon. "Galit ka ba sa'kin?" hindi ko napigilang tanong nang makita ko ang pagtiim ng bagang niya habang iyong kabilang braso ko naman ang ginagamot niya. "No," maikli niyang sagot pero halatang masama ang loob. "Bakit mukha kang galit?" nakanguso kong saad. Nakabawi na ako mula sa nararamdaman kong nerbyos kanina dahil wala namang masamang nangyari kay Bianca. Kung meron ay tiyak sa'kin talaga mapupunta ang lahat ng sisi kahit pa sinadya ng babaeng iyon na magpatihulog. Gaga t

