chapter 50

1708 Words

Nang magising ako kinagabihan ay nasa yate pa rin ako. Nakatulog ako sa pagod pagkatapos nang ginawa namin ni Rusca. Ang unang tumambad sa'kin ay ang mga bituing makikita ko sa transparent na bahagi ng kisame ng kinaroroonan kong silid. Lalo tuloy akong tinatamad na bumangon kaya nanatili ako sa kinahihigaan at pinanood ang kalangitang pinapalamutian ng mga bituin. Relax na relax akong nakahiga habang binabalikan sa isip ang ginawa namin kanina ni Rusca bago ako nakatulog. Habang tumatagal ay pasarap na pasarap pala ang gawaing iyon kaya gustong-gusto ko tuloy ulit-ulitin pero tuwina ay talo talaga ako ng stamina ni Rusca. Ako palagi ang unang sumusuko. Naghihikab akong naupo sa kama pagkaraan ng ilang sandali. Wala na si Rusca sa tabi ko. Siguro ay nasa trabaho na ito dahil sabi nito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD