Bago pa masagot ni Rusca ang tanong ko ay biglang bumukas nang malakas ang pintuan ng dressing room na kinaroroonan namin. "Surprise!" Isang magandang babae ang iniluwa ng pinto habang nakadipa ang dalawang braso. Kung hindi ako nagkakamali ay magkalapit lang ang edad nito at ni Rusca. "Freiya? What are you doing here?" gulat tanong ni Rusca sa bagong dating. Napaatras ako nang lumapit ang bagong dating at basta na lang yumakap kay Rusca. Kung maganda si Bianca ay diyosa na yata itong kaharap ko. "Na-miss ko ang pinakapogi kong pinsan kaya nandito ako!" masiglang sagot ng babae. Parang may kung anong nabunot sa dibdib ko dahil sa narinig. Mabuti na lang at pinsan pala. Nakahinga ako nang maluwang. Buong akala ko ay isa na naman ito sa mga babaeng gustong maghabol kay Rusca. Hindi

