Hindi ko na matatandaan isa-isa iyong mga pinakilala sa'kin ni Rusca. Kung kani-kanino rin ako pinagmamano ni Mommy Carol. Hindi ko akalaing pati pala ang gano'ng kagawian ay na-adopt ng mga Carson. Sa totoo lang ay nawala iyong naramdaman kong pagod dahil sa mainit na pagtanggap sa'kin ng mga una kong nakakahalubilo sa bansang ito. "Huwag kang mahiya ha, feel at home!" Kimi akong ngumiti kay Lola Niña habang tinapik-tapik ang likod ng kamay kong hawak-hawak niya. Napapansin kong mahihilig sila sa ganito dahil ito rin ang ginawa kanina ng mommy ni Rusca sa kamay ko. "Si Rusca... matagal na iyang pinagtutulakang mag-asawa ng kanyang mga magulang," pagkukwento pa nito. Wala sa sariling kusang dumako ang tingin ko sa kinaroroonan ni Rusca. Kasama nito ang ilang mga pinsan habang masayang

