"I'm sorry, sweetheart," masuyong usal ni Rusca na nagpabalik sa naglalakbay kong diwa. "Makasarili ako, gusto kong nasa tabi kita palagi kaya binalewala ko ang posibilidad na madadamay ka sa kakabit na panganib ng pagkatao ko." Habang nagsasalita si Rusca ay naninikip ang dibdib ko. Nakikita ko ang paghihirap na nararamdaman niya. Sa unang pagkakataon ay nakita ko siyang parang naguguluhan sa dapat niyang gawin. Marahang tumaas ang kamay ko at hinaplos ang pisngi niya. "Hindi na ako mangungulit," mahina kong wika. "Hihintayin ko na lang kung kailan ka handang magpaliwanag." Kahit na nagpoprotesta ang tsismosang bahagi ng pagkatao ko ay pilit ko itong pinapatahimik. Ayaw kong makadagdag sa kung anong alalahanin ngayon ni Rusca. Kung ganito araw-araw ay hindi malabong mapabilis ang p

