Hindi mapakali akong nagpalakad-lakad habang hinihintay naming dumating si Tito Floyd. Panay ang sulyap ko sa kinauupuan ni Tita Feliz habang mahinahon itong kinakausap ni Bianca. Huminto na ito sa pag-iyak pero kapansin-pansin pa rin ang hindi stable nitong emosyon. Nahinto ako sa ginagawa nang may humila sa damit ko. Napatingin ako sa matabang anak ni Freiya habang nakatingala ito sa'kin. "Auntie Yolly, karga," malambing nitong wika habang tinataas ang dalawang braso. Kung kanina ay may pagdududa pa ako kung kakayanin ko ang bigat nito ngayon dahil sa nerbyos na nararamdaman ko ay kahit siguro malaking refrigerator ay kayang-kaya kong buhatin. Walang pagdadalawang-isip na agad akong yumuko upang kargahin siya. "Ano bang kinain mo?" paungol kong tanong nang muntik nang mabali ang li

