"Auntie Yolly! Uncle Rusca, sama!" Nanigas ako at napahinto sa balak na pagtakas dahil sa malakas na pagtawag ni Caizer. Saglit kong ipinikit nang mariin ang mga mata bago muling pinlaster ang malaking ngiti sa mukha at nilingon ang direksiyon nito. Pinanatili ko lang kay Caizer iyong tingin ko at iniiwasan kong mapapatingin doon sa iba nitong mga kasama. Nagmamadali itong bumaba mula sa kandungan ni Freiya at nagtatakbo palapit sa'min ni Rusca. Ako iyong kinabahan sa batang ito dahil para itong matumba habang binabalanse ang matabang katawan. Magmumukha talaga itong cute na bola-bolang gugulong 'pag nagkataon! "Careful, Cai," paalala ng ina nito. Naglakas loob akong panakaw na sulyapan iyong iba upang alamin kung mukhang nakabawi na sila sa ginawa kong eksena. Ako kasi ay hindi p

