chapter 60

1350 Words

Simula no'ng unang nagpunta rito sa bahay ni Rusca si Tita Feliz at gumawa pa kami ng fish balls ay halos araw-araw na itong dumadalaw. Hindi ko alam kung dahil ba sa nasarapan talaga ito sa ginawa naming fish ball o baka pinaglilihian ako nito. No'ng mga unang araw ay kasa-kasama pa nito si Freiya at Bianca pero minsan ay mag-isa lang itong magpunta. Okay naman siyang kausap at talagang mabait siya. Hindi ko nga lang malimutan iyong pag-iyak niya no'ng una naming pagkakilala. Masaya naman ang mga araw ko kasama si Rusca at ang pamilya niya pero habang tumatagal ay nami-miss ko rin ang sarili kong pamilya. Gusto kong makita sina Mama at Papa at kukumustahin sila. Kung hindi pa ako napunta rito sa malayo ay hindi ko pa ma-realize na mali talaga ang ginawa kong pag-alis sa bahay namin.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD