"Hindi ko alam na day care center na pala ngayon ang bahay ko," nakapamaywang na wika ni Rusca habang masama ang tingin sa kaharap na mga kamag-anak. Pagkatapos kasi naming makaalis sa itaas ng treehouse nang walang nakapansin ay tsaka pa niya hinarap ang mga bisita at napag-alaman naming ihahabilin pala ng mga pinsan niya at ilang mga pamangkin ang mga maliliit na anak ng mga ito. Okay lang sana kung isa o dalawa kaso ang problema ay nasa pito lahat ang mga batang iiwanan. "One night lang naman, Tito Rusca," nakangiting hiling ni Khaila, anak ito ni Ma'am Kofie na rito na naninirahan sa Austramica. "Nasaan na iyong prinsepe mong asawa? Siya iyong pagbantayin mo riyan sa anak ninyo," masungit na baling ni Rusca rito. "Nasa official visit nga siya," tugon nito. "Mabait naman ang anak ko

