Nagising ako sa ingay mula sa labas ng bahay. Agad akong bumangon para tignan kung ano yun. Nadatnan ko si mama na naghahanda ng pagkain sa lamesa. Isang linggo na akong nakauwi ng bahay. Pati yung project namin na dito sa bicol gaganapin na postpone dahil sa mga nangyari sa akin. "Ma bakit ang ingay sa labas?" Tanong ko habang kinukusot ang mata. Ngumiti lang si mama at hindi ako sinagot. Dahil sa sobrang curious ko sa nangyayari sa labas lumabas na ako kahit hindi pa nakakapag hilamos ng mukha. Halos mapanganga ako sa nabungaran ko. Titig na titig ang mga kapitbahay namin kay Drake na busy sa pag iigib sa bomba. Tiliin ng mga dalaga ang naririnig ko. Maging ang bulungan ng mga may edad na ay nakikisali. "Ang gwapo." Rinig kong bulong ng anak ni aling Mirna. May nag lakas ng

