"Wala kang kwenta! Pera ko lang ang gusto mo!" "Tama na! Tumigil ka na!" "Maawa ka naman." Napabalikwas ako ng bangon mula sa masamang panaginip. Agad na may lumapit sa akin. Inangat ko ang aking paningin at nabungaran ko ang mukha ni Evie na puno ng pag-aalala. "Ayos ka lang?" Ani nito habang pinipisil ang kamay ko na nasa ibabaw ng tyan ko. Ngumiti ako at tumango. "kumain ka naman! Sabi ko na nga ba dapat talaga sinamahan na kita ehh!" Ani nito habang kinukuha ang baso na may gatas sa ibabaw ng bedside table. Mag dalawang araw na ako sa hospital. Wala akong gustong kausapin kahit na si mama. Nakatulala lang ako sa kisame ng hospital habang paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang mga ipinagtapat sa akin ni mama noong Isang araw ng nagising ako. Hindi ko totoong papa si papa Ro

