Chapter 24 - Palawan

1748 Words
Nakarating na kami sa Resthouse. Sama sama kami dito dahil malaki ang bahay na ito. Kung titignan sa labas ang bahay ay concrete. Pag dating sa loob  mapapansin mo na bamboo ang wall nito. Pag ka pasok sa gitna ng bahay kung saan ang entrance door, bubungad ang  malaking living room. Preskong tignan dahil sa laki ng binta na sumasakop sa laki ng sala. May design din doon  na magkatapat na wall na parang fountain style kung san my umaagos na tubig. Sa kanan banda ay ang dining area at maaninag din ang kitchen. meron din  malapit doon na  counter bar kung san nakalaylay ang ibat ibang klase ng wine. sa tapat ng entrada ay ang pagkalaki laking hagdan na curve ang hugis. Halos lahat ng makikita sa interior  nito ay mamahaling wood at bamboo style. Mapapa wow ka nalang  talaga sa resthouse nila calla. 'Mararamdaman ang nature ng isla kahit nasa loob ng resthouse nato' typically bahay kubo ang concept ng interior. 'Ang ganda sobra' napangiti nalang ako ng makapasok na kami May kanya kanya kwarto ang  mga lalaki, kami naman mga babae ay nasa master bedroom. Nagpalagay si calla ng tatlong bed para daw komportable ang tulog namin. May sarili din balcony ang kwarto namin napaka presko. 'Kahit sa kwarto nature na nature ang theme ng design wow'.  sa ganda ng tutuluyan namin ay nagniningning ang mga mata ko.  Masaya akong nag aayos ng  gamit ko ng bigla itong agawin ni kai. "Ako na nga dyan naiipit yung tyan mo baka maging pango yang baby natin" natatawang sabi ni kai. Hinayaan ko na sya sa gusto nyang gawin, hindi naman ako tamad sadyang maalaga lang sila sakin. Masyado silang nag aalala sa anak ko kahit kunting pag galaw ay nakaantabay na sila. Naupo nalang ako sa kama  at tumingin sa nakabukas na pinto ng balcony. Bumalik sa alaala ko ang tanong ni Ian nung nasa van kami. "Kai, tingin mo alam nya na?" Mahina kong tanong. Naramdaman ko naman na nilingon nya ako. pati si calla na busy sa pag labas ng gamit sa maleta ay napatingin rin. "Bakit ? Sinabi nya ba? Ano ba pinagusapan nyo sa van kanina" sunod sunod na tanong at nag-aalalang sabi ni kai Matagal bago ako umimik nakatingin lang ako sa kawalan. Naramdaman ko din ang paglapit ni cal at pagupo nito sa kama ni kai. " he said 'tell me ria' ayon lang ang sinabi nya, pero pakiramdam ko alam nya na"  nagaalalang sabi ko. Tahimik at wala kaming imikan na tila hindi nila alam ang sasabihin. Umayos ako ng upo at sinampa ang isang binti sa kama. "Natatakot ako baka pag nalaman nya itanggi nya, natatakot ako lalo na may fiance sya, natatakot ako na baka balang araw kunin nya sakin ang mga anak ko" hindi ko na napigilan ang mga luha ko na bumagsak sa mga mata ko. Masyado akong emotional simulang nag buntis ako naging iyakin na ako. Umiiyak lang ako pinupunasan ang mga luhang walang humpay sa pag tulo. Naramdaman ko ang kamay ni cal sa likod ko nakalapit na pala ito at nakaupo na sa tabi ko. Si kai naman ay inaalo ang braso ko tinitignan lang nila ako na may awa ang nga mata. "Natatakot ako na baka ilayo nya sakin ang mga baby ko, iisipin ko palang hindi ko na kaya ayaw ko na mag isa hindi ko na kaya mag isa" naluluhang sabi ko. " paano kung malaman nya baka sabihin nya na ipalaglag ko to, baka ayawan nya ang baby  ko hindi ko kaya... hindi ko kaya.." maramdaming sambit ko, napapahawak ako sa dibdib ko dahil naninikip nanaman ito. "Shhss...stop crying Aria, kai and I will not allow everything you say, nandito lang kami sa likod mo hindi ka namin iiwa  at pababayaan" malumanay na sambit ni cal na walang tigil si pag alo ng likod ko. Nilingon ko ito at nakita ang malungkot nitong mata. Napabaling ang tingin ko kay kai ng pisilin nito ang isang kamay ko at malungkot akong tinignan " kami ni calla ang bahala sayo at ng baby natin tatlo diba godmother kami  ng mga babies mo hindi namin sila hahayaan kunin sayo"  sambit ni kai na pinupunasan na ang luha sa kanan pisnge ko. Ganun din ang ginawa ni cal napayakap nalang ako sa kanilang dalawa. 'Napaka swerte ko sa inyong dalawa' . Matapos ang madrama naming eksena  nagtungo na kami ng kusina dahil mag gagabi na. Balak ng dalawa na mag luto, si kai at ako talaga ang magaling mag luto si cal ay walang alam sa kusina. kaya gumawa nalang sya ng dessert. Masaya kaming nag luluto ng kaldereta, gumawa din kami ng avocado salad, sweet and sour pork, and my very own chowpan fried rice. Si cal naman ay gumawa ng dessert straberry cake at leche plan dinamihan nya ang syrup dahil alam nyang syrup ang gusto ng  mga babies ko sa tyan. Nagluluto,nagtatawanan at nagkukulitan kami sa kusina. Samantala ang mga lalaki naman ay nasa  sala   nag lalaro ng video games. Bukas kami gagala dahil papahinga muna kami kaya maghapon din kami dito sa loob ng bahay. Buti at kumpleto din ang mga kaylangan namin sa pag luluto dito. Ang sabi ni cal ay tinawagan nya na daw ang nagbabantay dito para maiayos ang kusina. Hinain na namin sa dining table ang pagkain naluto namin " boys lets eat!" Sigaw ni cal  sa mga lalaki sa sala. Sabay sabay naman silang tumayo at tumungo ng lamesa "Woawh ang bango nakakagutom" maligayang sabi ni noah na napapahawak pa sa tyan. " wow ang dami may dessert pa sino nag luto lahat nito?"  Masayang sabi ni lance  na umupo na, nagsiupuan na din ang ibang kaibigan nito. "Ohh ito  pa kaldereta " inilapag na ni kai ang luto nyang kaldereta. Inilabas na din mi cal ang dessert na gawa nya. Nauna ako mag hain ng niluto ko kaya mas nauna nako umupo. " ang dami ikaw ba nag luto ng lahat ng to kai?"  Namamanghang sambit ni alvin. Ngumisi  naman si kai at cal, tinitignan ko lang sila habang nakaupo ng tumabi na sila saka lang nya ito sinagot. " ganito para masaya kakain na tayo matitikman nyo yung lahat ng yan, hulaan nyo kung  sino ang nag luto samin tatlo"  masyaang sambit nito at tinuro pa kaming tatlo na magkakatabi, Nasa gitna nila akong dalawa Napangisi si cal ako naman ay napailing sa  kalokohan ng kaibigan. Nag umpisa na silang kumuha isa  isa . "Wow ang sarap grabe ang sarap "  hindi makapaniwalang sambit ni noah, sumubo pa ulit ito ng ibang pag kain nag umpisa na din ang ibang kumain. Nakatingin lang kami sa mga reaksyon nila. Sinusilyapan ko rin ang reaksyon ni Ian pero dahil sa magaling itong mag tago ay hindi makita kung nagustohan nya ba. " ang sarap nito, grabe pang 5 star ang luto nyo "  namamanghang sabi ni alvin na tila gutom na gutom na kumain. Nag umpisa na rin kaming kumain kumuha lang ako ng strawberry cake at leche plan. Mukang kulang kasi sa kanila ang mga ulam na naluto namin malapit na nilang maubos 'ang lalakas palang kumain ng mga to' " I think si calla ang gumawa ng dessert, she dont know how to cook and si kai ang sa kaldereta at salad and rice? Then si ria sa sweet and sour?" Mahabang sabi ni lance " yeah that was my guess too" singit na sabi ni noah, na ikinatango naman ng iba maliban kay Ian. Kaya napatingin lahat sa kanya na tila hinihingi ang pag sangayon nito. " no i think kai cooked everything except dessert that calla bake"  tamad na sabi nito, 'wala ba syang tiwala sakin? Kahit isa hindi nya manlang iisipin na luto ko'. " Si RIA talaga nag luto lahat nyan, marunong ako mag luto pero mas gusto ko ang luto ni ria kaya tinulungan ko lang sya ngaun" nahihiyang sabat ni kai "Wow really ang sarap mo mag luto ria pwede kana mag asawa"  ngiting abot tenga na  sabi ni noah  " naku ang swerte ng magiging asawa ni ria noh! Kung lalaki lang ako baka jinowa ko na yan e!"  Natatawang sabi ni kai Napailing nalang ako sa kalokohan nya at natawa naman si cal na tumatango tango pa. "I agree, kung tomboy lang ako girlfriend ko na yan  hahaha!" Birong sabi ni cal " tss.. san mo mahahanap yan e nagiisa lang yan,  maganda , mabait, sweet, malambing, masarap magluto, maalalahanin , grabe kung mag mahal! Hahahaah"  natatawang sabi ni kai nakuha pang magbilang sa kamay ng katangian ko. " wow then can I court her?"  Natatawang sabi ni alvin, na ikinatigil ng dalawang katabi ko. Napatingin naman ako sa kanya nagulat ang mga mata. Natauhan naman ang dalawang katabi ko at sumama ang mga muka nito "NO/NO WAY!" Sabay na sigaw ng dalawa  at sinamaan na ng tingin si alvin napa nguso nalang ang binata at nilaro laro ang kubyertos nito. "  can I?" Masayang sabi ni noah na ngiting aso pang tinuro ang sarili. Binaling ng dalawa ang masamang tingin kay noah "IN YOUR DREAMS!/ HINDI PWEDE!"  sabay na sabi ng dalawa na galit na tinignan si noah. Napanguso naman ito at lumongkot ang muka. Napa bungisngis  ako bigla sa kacutetan nya. Napatingin naman ang dalawang katabi ko, napansin ko din ang gulat na pag angat ng tingin ni noah.  Hindi ko napigilan ang lumabas sa bibig ko na mga salita na mas lalong ikinagulat ng mga kasama ko "Ang cute mo" ngiting sabi ko sa kanya na may matamis na ngiti sa mga labi. Kita ko naman ang gulat sa mata nito at mayamaya'y napalitan din ng matamis na ngiti. "Hoy ria hindi yan pwede ! Hindi papasa samin yan!"  Mahinang sigaw ni kai at binalingan nanaman ng masamang tingin si noah. Nakita ko nanaman ang kyut na reaksyon ni noah kaya mas lalo akong napangiti habang tinititigan sya " ang cute nya lang talaga kai, hindi ko alam pero ang cute nya"  mahinang bulong ko narinig ata nila kaya nanlaki ang mga mata nila. Bumaling ako kay kai nginitian ko sya "Don't worry kai hindi pa ako mag boboyfriend" ginulo ko  ang buhok nito kaya napanguso nalang sya. Nakarinig kami ng malakas na pag tumba ng upuan sa pwesto ni Ian kaya napabaling kami lahat dun. Bumaksak ang upuan nya sa marahas niyang pag tayo. Nagkibit balikat nalang kami at nag ayos na ng lamesa para maka pag pahinga...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD