Agad na tumayo si cal at naupo sa kaninang pwesto ni kai ayos ka lang ba ? Nasusuka kaba" mahinang bulong na aniya
Umiling lang ako bilang tugon " cal, nakakahalata na sila " bulong ko rito na inilapit pa ang bibig sa tenga nya.
Nagaalala akong tinignan nito at tumango, tumayo na rin sya at bumalik sa pwesto nya.
Naupo naman si kai agad sa tabi ko, maya maya pa, habang pinagmamasdan ko ang mga ulap. Nakaramdam ako ng pag angat ng sikmura ko sinusumpong ako ng morning sickness.
Hinawakan ko ang kamay ni kai, gulat itong napa tingin sakin at napalitan din agad ng pagaalala ang mata nito. Nilingon nya si cal na tila nag tatanong kung asan ang comfort room.
Agad naman tumayo si cal, at itinayo na rin ako ni kai. Nagulat si alvin sa biglang pagtayo ng katabi nito, pati narin ang iba namin kasama ay napatingin na saming tatlo na nakatayo.
Nakayuko lang ako, ayaw kong masalubong ng mata ko ang mga asul na mata ni Ian.
"What happen?" Takang tanong ni lance ng makitang tatlo na kaming nakatayo.
"m-mag Cr lang kami" nag aalangang dahilan ni calla. Lumapit na ito samin at kinuha ang maliit na bag ko.
" bakit tatlo pa kayo? Pang isang tao lang ang cr dito" mapanuring tanong ni ethan
Napahawak ako ng mahigpit sa kamay ni kai. 'Hindi kona kaya pa pigilan ang sikmura ko pag hindi pa kami naka alis'. Nagaalalang tinignan ako kai at bumaling kay cal para sagutin ang mga mapagtanong na mata nang mga kasama namin.
"b-bakit ba ang dami nyong tanong! M-Masama bang samahan sila?" Pigil na inis na pagdadahil nya.
"e.. pwede namang si kai nalang ang sa....." hindi na natuloy ni noah ang sasabihin ng bigla akong maduwal sa harap nila napahawak ako sa bibig ko para mapigilan iyon.
"Sh*t" rinig kung mahinang mura ni kai. Agad agad nya akong inalalayan at patakbo kaming pumunta sa comfort room.
"My god kai! Slow down!" Rinig kong sigaw ni cal na sumusunod samin.
Nang maipasok ako ni kai ay sinara nya agad ang pinto para walang makarinig ng pag suka ko. Nag hintay lang sila sa labas ng cr.
" what happen to ria?" Rinig kong tanong ni lance na may pag-aalalang tinig
" wala kuya bumalik kana kami na bahaka kay ria" rinig kong pagdadahilan ni cal sa kapatid
" may nakain lang sya kanina siguro yung breakfast namin na sobrahan lang ng kain wag na kayo mag alala" sabi ni kai
~tok*tok*~
" Ria, okay kana ba ? " sambit ni kai ng pagyapos kumatok
Binuksan ko naman agad ang pinto hindi komportable ang pakiramdam ko. Nakita naman nilang hindi ako okay kaya inalalayan ulit nila akong dalawa papunta sa upuan namin. Nakasunod lang si cal habang bitbit ang bag ko.
"Nahihilo ako" walang ganang sabi ko ng makaupo na ako. Nagalala naman lumapit si cal samin, hindi ko rin namalayan na napalakas ang sabi ko ng nararamdaman ko.
Kaya narinig ng mga kasama namin. "Are you okay ria?" Nagaalalang tanong ni noah na dinungaw ang sarili sa ulonan ng inuupuan ko.
Ngumiti lang ako sa kanya at pumikit na. Hinayaan ko nalang sila na mag palusot.
" h-hindi lang sanay si ria sa pag sakay sa ganito kaya nahihilo sya" pagdadahilan ni kai
"Really?" Paninigurong tanong ni Ian
Biglang kumabog ang dibdib ko naimulat ko ang mata at napatingin sa mga mata nito. 'alam na ba nya dahil lang sa pag duwal impossibleng' napailing iling ako na tila winawaksi ang laman ng isip ko.
Nag iwas agad ako ng tingin at napahawak sa kamay ni kai. Isinandal ko nalang ang katawan ko sa upuan at pinilit pumikit. Maya maya pa ay kinain na ako ng dilim.
"Ria "rinig kong tawag ni kai sakin
Minulat ko ang mata ko at nakitang nakatayo na sa pwesto namin si cal. Naglalakad naman papalabas ang iba na napapadaan pa sa pwesto namin. Nagtama ang mata namin ni Ian ng mapadaan sya sa tapat namin, kaya nagiwas agad ako ng tingin.
" are you feeling well?" Tanong ni calla sakin.
"O-Okay na ako, salamat" tugon kong aniya
Hindi na sya sumagot nauna na din syang mag lakad sumunod naman kami ni kai. Pagkalabas ko sinalubong agad ako ng malamig na simoy ng hangin. Naunang bumaba si cal at kai na nakaabang para alalayan ako.
"Lets go baka nagugutom kayo kain muna tayo?" Tanong ni lance samin, magtatanghali na din kaya pumayag nalang din kami kumain bago dumeretso sa resort nila calla
Nagsimula na kaming umorder, si calla na ang pumili sakin. Sa ilang araw na nakakasama ko sya sa bahay halos alam nya na kung ano ang mga gusto ng anak anakan nya sa tyan ko.
Nagumpisa na kaming kumain ng maihatid na sa table namin ang pagkain. Masarap ang mga inorder ni cal napadami ang kain ko kaya nagtataka na akong tinitignan ng mga kasama namin.
Napayuko nalang ako na ngumunguya ' dalawa ang laman nito wala akong magawa ' naisip ko nalang.
" hindi ba kayo ng breakfast? I mean gutom na gutom si ria aa" pag tatanong ni lance sa kapatid nito
" m-malakas talagang kumain yan si ria, wag nyo nang pansinin" pilit na ngiting sabi ni cal.
"Here eat a lot ria" naglagay pa ito ng pagkain sa plate ko. At ganun din si kai pag titignan ay parang anak ako ng dalawa kaya mas lalong nagtaka ang kasama namin.
Tapos na kumain ang dalawa kaya sila na ang naglalagay ng pagkain sa plato ko. Hindi naman ako mahilig sa rice simula ng magbuntis ako puro mga ulam lang na gusto ng panlasa ko ang kinakain ko.
"Ria ito ohh dessert" saad ni kai at nilapag ang leche plan sa harap ko.
"So even with you girl-friends huh" mapanuring saad ni Ian na katapat ni calla ng upuan. Napatingin naman ako rito hindi ko gusto ang pinaparating nya.
" I mean.. look at you, hindi ka kalevel ni calla but she take care of you like a baby" punang sabi nito. Na hindi ako tinitignan at nakatuon lang ang mata sa na humihiwa ng pagkain sa plate.
Natahimik ang lahat sa sinabi ni Ian, nagiinit ang ulo ko sa damuho na to. Napahawak ako ng mahigpit sa tinidor na hawak ko. Gusto ko syang batuhin nito pero baka mapatay ko sya tss..
Humugot ako ng malalim na hininga bago ito sagutin. " ano naman sayo" i said sarcastically.
Napalingon naman ito sakin na nakataas ang isang kilay. Nakita ako ang pagangat ng gilid ng labi nya mas lalong naginit ang ulo ko. Hindi ko alam pero naiirita ako sa pagmumuka nya!
Pinutol ko nalang ang titigan namin at bumaling nalang muli sa pagkain. Ramdam ko naman ang pagka ilang sa table namin walang gustong mag salita. tanging kubyertos lang namin ni Ian ang naririnig na tunog sa pagitan naming lahat.
" dont eat too much.. "pagbabasag nito sa katahimikan "you look like a pig" dagdag pa nito sa ngaasar na tinig.
Bigla nagpintig ang tenga ko sa narinig ko rito napatayo ako at naibaba ng malakas ang hawak kong tinidor sa lamesa. Tinignan ko ito ng masama 'bwesit!' Nagpipigil ako ng inis at tinalikuran silang lahat.
Tumulo ang mga luha ko sa aking pisnge sakto ng makatalikod na ako sa kanila. Sa sobrang inis na nararamdaman ko naninikip ang dibdib ko. ' kasalanan ko naman, hindi naman nya alam e, kung alam nya ba masasabi nya ba lahat yun?'.
Bumalik ako sa van na sinakyan namin, napahawak ako sa dibdib ko dahil sumisikip ito. Hindi ko alam kung san ako naging emotional sa sinabi nya bang baboy ako o sa pagtrato nya sakin.
Nasasaktan ako alam long hindi nya alam na dinadala ko ang anak namin. Pero nasasaktan pa din ako sa trato na na parang wala lang sa kanya. 'Kung malaman ba nya may paki ba sya?' Mas lalong akong nasaktan sa sumagi sa isip ko.
Alam ko ang sagot sa bawat tanong ko dahil wala namang 'kami'. May fiance sya at magiging asawa aksidente lang ang ngyari samin at walang pag mamahal 'ria iba ang ibig sabihin ng s*x sa make love!' Sumbat ko saking sarili.
Naramdaman ko nalang na bumukas na ang pinto ng van at sumara rin ito, agad kong pinunasan ang mga pisnge ko. Pumasok sila kai at cal niyakap lang ako ni kai naiyak muli ako. Nagiging emotional ako marahil dahil sa pagbubuntis.
Inalo-alo ni cal ang likod ko para mapakalma. Nagtataka man kung bakit hindi pumasok ang mga lalaki ay hindi ko na pinansin pa wala akong pakialam sa kanila.
"Shhss.. tahan na ria, makakasama yan sa babies ntin" mahinang sabi ni cal.
Bumitaw na ako kay kai at pinunasan ang mga luha kong dumadaloy sa aking pisnge. Tinignan ko naman sila na nagaalala nanaman ang nga mata.nginitian ko lang sila ng pilit.
Isinandal ko ang akin ulo sa sandalan ng inupoan ko ilang minuto na walang nagsasalita samin. Pinapakalma ko ang emotion ko pero ng dahil siguro sa pagod nararamdaman ko ang unti unting pag lamon ng dilim..
Nagising ang diwa ko ng makaamoy ako ng pabango na hindi kay kai at cal. Gusto gusto ko ng amoy ng katabi ko, Paglingon ko ay nakita ko ang gwapong muka nito. Amoy na amoy ang pabango nya na gustong gusto ng sistema ko.
Nagulat ako ng bigla nitong imulat ang mata niya. nagtama ang mata namin at ang mata nito asul na parang dagat.
Seryoso lang itong nakatingin sakin na walang emosyon. Nagpalinga linga ako kunwari para maiwasan ang mga mata nito. Ngaun ko lang napansin na kami nalang dalawa dito at naka hinto na ang van.
Nilingon ko ulit ang katabi ko na nakatitig pa din sakin na blangko ang mga mata. "s-sila kai?" Ilang na tanong ko. 'Bakit kami nalang naiwan dito at bakit hindi pa to sumama sa kaibigan nya'
Matagal itong tumitig bago bago ipikit muli ang mata " tell me" hindi nito sinagot ang tanong ko, nakapikit itong nag sasalita na parang may gusto malaman.
Biglang kumabog ang puso ko 'alam na ba nya!' Namamawis ang kamay kong napatitig sa muka nito. Hindi ako nakaimik baka maging marupok ako at masabi sa kanya ang naging bunga ng nagawa namin.
" tell me ria" walang ganang sabi nito, na hindi pa rin minumulat ang mga mata
Biglang bumukas ang pinto ng van nakita ko ang gulat sa mata ni kai. Para akong nabunutan ng tinik ng makita si kai agad agad akong lumabas ng van inalalayan naman ako ni kai sa pag baba.
Nakahinga ako ng maluwag ng makalabas na ako. Nagumpisa na kaming lumakad ni kai papunta resthouse na tutuloyan namin. Nilingon ko muli ang loob ng van at nakita si Ian na ganun pa rin ang pwesto. Napabuga ako ng hangin at lumayo na...