--22.2-- Shanika's POV "Angsakit ng ulo ko!" nabalikwat ako sa sigaw ni Precious. Kinapa ko ang tabi ko pero wala siya. Napaupo tuloy ako. Walanghiya. Nahulog pala e. hawak-hawak niya ang ulo niya. "Sakit ng ulo ko..." naiiyak nitong sabi habang hawak-hawak ang ulo niya. "Babe! Yang paa mo naman!" Haha! Nasa mukha na ni Blythe ang paa ni Precious. Yung isang bucket kasi sinundan pa ni Coreen ng hard drinks. Yung isang shot lang naging unli hanggang tuluyan nang nalasing silang tatlo. Hanggang dito sa condo e kumakanta sila e. HOW TO LOVE nang paulit-ulit! Hirap na sumampa ulit sa kama si Precious. "Oh inaantok pa?" Tumango siya saka dumapa. "Wala ka bang work ngayon? Ihahatid na kita." "Hindi mo nga magawang tumayo nang maayos tapos ihahatid mo ako. Kaya gagayak na ako. Oorder na l

