--22.1-- Prey's POV Sa gasoline station ako ngayon mamamalagi. Nahihilo na ako sa kakatimpla ng pabango e. Subukan ko namang humithit ng gasolina. Hinihintay ko rin si Quin. Naglambing ang bunsong Salazar e. Sakto lang ang pagdating niya pagkatapos kong magbilin sa mga tauhan namin. "Wala ka bang pasok ngayon?" Umiling siya. "Masyado na daw akong matalino kaya pwedeng umabsent." Pagyayabang pa nito. May pasalubong siyang breakfast. Niluto daw ni ate Prime. TAPSILOG! I won't resist these blessings! Sinangag is one of my favorites. Simple pero angsarap! "Ate, tulungan mo naman ako oh." "Saan?" "Gusto ko kasi isurprise si ate Silv. You know, she's been working so hard. Hindi na niya nahaharap ang lovelife niya." "Anong surprise ba ang gusto mo?" "A date with Ate Shanika." she said

