--13-- Prey's Pov "Shanika is very persistent sa kabila ng kondisyon niya." Pagbasag ni Mauren sa katahimikan. Kasalukuyan kaming nasa coffee shop. Mahina rin ang puso niya. Madadaan naman sa gamot pero hindi nila pwedeng i-risk ang kalusugan niya kaya naging mas protective sila. Shanika was three years old when she experienced difficulty in her sight. Pero naging mabilis ang paglabo ng mata niya hanggang sa tuluyan na siyang mabulag. "Sa murang edad niya matuto na siyang magbasa gamit ang braille. Pati pagpipiano mabilis din siyang natuto." Kaya pala, madali lang sa kanya ang magbasa sa orphanage pati ang magpiano nang nakapiring. "Playing piano is her favorite activity. Minsan lang niyang marinig ang kanta madali na niya itong natutugtog. She has that great listening skills." "B

