--12-- Prey's POV Wala naman daw dapat ipag-alala sa pagdugo ng ilong niya sabi ng doctor. I still find it weird na may taong dumudugo ang ilong sa sobrang galit. "Salamat sa paghatid hija. Dito ka na rin magdinner. Ipapahatid na kita sa driver mamaya." Anyaya sa akin ni Tito AlFranz. "Oo nga. Baby shory. Please?" umakbay na naman siya sa akin. Siya namang pagdating ng isang kotse. Iniluwa nun sina Mauren at Myles. Hay! Perfect timing! Napakagat ako sa lower lip ko. Mauren immediately approached Shanika. "How are you? May masakit pa bang iba sayo?" "Wala. Ate normal nosebleed lang yon." "Good evening po." Nagmano si Myles kay tito Alfranz. Bumaling siya kay Shanika. "Kumusta ka?" "Okay na okay ako. Wait. Kilala mo na siya diba?" ako ang tinutukoy ni Shan. "Si Precious nga pala. Pr

